Dating a Geek by Crimson Skye (e reader comics TXT) 📕
Read free book «Dating a Geek by Crimson Skye (e reader comics TXT) 📕» - read online or download for free at americanlibrarybooks.com
- Author: Crimson Skye
Read book online «Dating a Geek by Crimson Skye (e reader comics TXT) 📕». Author - Crimson Skye
“Ano bang mata meron ka?” Ganti naman ni Stephen. “Hindi mo man lang napansin na lumabas ako ng kwarto?" Hindi naman nakapagsalita si Paige. Naupo siya sa couch na opposite sa inuupuan nito. Huminga muna siya ng malalim bago muling nagsalita. “So, are you going to tell me the truth now?”
“What truth?” Patay malisya si Paige.
He wants to settle things first bago sya pumasok sa University. Maaga pa naman kaya may time pa syang makipagtuos dito. Kung alam lang nito na he’s now risking something para lang mapaayos ang kalagayan nito. Pero may kataasan talaga ang pride ng babaeng yon. Wala na tuloy siyang nagawa kundi ang ibuko ito sa sarili nitong kasinungalingan. “The truth that you’re not a tutor. Hindi ko alam kung anong trabaho meron ka…” Ayaw ring malaman ni Stephen na alam na niya ang lahat-lahat. Baka paghinalaan sya nito na sya ang tumulong dito dun sa impaktong Drake na yon. Masisira naman ang disguise niya as nerdy guy. Although, he really had no idea kung ano ba ang relasyon ni Drake kay Paige na lalo pang nagpa-curious sa kanya. “…but I’m sure hindi ka tutor.” He finally concluded.
Tinaasan lang sya nito ng kilay. “Psh. Hindi ko alam ang sinasabi mo. Bahala ka kung anong gusto mong isipin.”
He simpered. “Sabihin mo nga sa’kin. May tutor bang inaabot ng gabi? Lalo na kung part time lang naman?”
Hindi nakasagot si Paige. Bakit ba kasi hindi nya alam na sinusundan na pala sya ni Stephen? O baka naman nakita sya nito nung bumili ng kape sa coffee shop? Tssk. Patay na. Medyo gabi na nga yon. Daig pa nya ang detective kung makapagsalita a! Hindi sya makatingin dito.
“According to what you said, kagagaling mo lang dun sa bahay ng tinuturuan mo, right? Hindi na kaagad reasonable yong time ng pag-uwi mo. Kung bata yong tinuturuan mo na ang edad is just about five to six years of age…” Natawa pa ito. “…in addition to the depressing part na hindi mo man lang alam ang exact profile ng estudyante mo. Or sabihin na nating ganun nga ang age nung bata, hindi mo ba alam na madaling antukin ang mga bata at that age? Kaya kung ako yong parents nung batang yon, I should’ve sent his/her tutor home kahit 5:00 pm palang.”
Paige frowned. Hindi nito alam kung san nakukuha ni Stephen yong mga pinagsasasabi nito sa kanya. Bakit parang lahat ng sinabi niya nakarecord at kaya nitong hanapan ng butas? May confidence pa ang tono ng pananalita as if he knew what he was talking about. Naguguluhan na talaga siya. Parang lawyer naman ang kaharap nya tapos sya yong nililitis sa husgado. Tsk.
Tiningnan pa sya nito mula ulo hanggang paa saka muling nagsalita, “And don’t tell me na nagbago na ang formality standard ng isang tutor. Kahit sinong tanungin mo hindi nila aakalaing tutor ka kung ganyan ang outfit mo.”
Tingnan mo yon! Pati outfit nya napansin? Dapat pala sinabi nalang nyang galing lang sya sa park at namasyal. Tss. Kaso imposible namang sa park pa sya galing sa ganung oras. Wala na ata talaga siyang malusutan sa isang ‘to a. Bigla tuloy siyang naasiwa sa suot nya. May suot pa syang ga-bilaong earrings. May tutor nga ba namang ganun ang suot? Tss.
“At dun naman sa hinold-up ka…” Natawa ulit ito. “As far as I know, kape lang naman ang dala mo…” Nagulat sya sa sinabi nito. Galing nga kasi sya sa coffee shop nun. Wala na. He definitely knew that she was lying all along. “…nakakatawa namang isipin na magkakainteres pa sa'yo — …”
“Oo na!” Pinutol na niya ang sasabihin nito dahil pagtatawanan rin lang sya nito. Nakakatawa nga naman na magkakainteres pa yong magnanakaw sa kape na dala nya. Psh. Ang tanga mo talaga Paige! Hindi ka nag-iingat. Tumingin siya dito. “Sige na. Sasabihin ko na ang totoo.” No choice na sya. Wala na naman syang magandang alibi kay Stephen e. Ano bang utak meron yon?
Chapter EighteenPaige told Stephen everything. Simula nang makilala nito si Margarette hanggang sa makapasok sa bar. Lagi rin nitong binibigyan ng stress na bar tender lang ang pinasok nito at hindi show girl o kung ano pa mang trabaho na malayo sa katotohanan. Baka kung ano pa ang isipin ni Stephen. Pati yong issue kay Drake at dun sa lalaking nag magandang loob na tumulong dito nung masugatan ang kamay nito. Isinama na rin ni Paige yong pag-alis nito sa bar dahil sa dami ng nasira at dahil na rin sa payo ni Margarette. Lahat nga daw di ba? Seryoso namang nakikinig sa litanya ni Paige si Stephen na parang nanunuod lang ng boring na movie. Mukha namang sanay na si Paige sa ganung reaction nito at hindi na rin masyadong pinapansin.
Napabuntong hininga siya ng marinig ang buong kwento. Aside from the fact na alam naman nya lahat ng yon kasi andun sya. Tama naman lahat ng sinabi ni Paige sa kanya. Nawala rin ata ang inseparable hobby nito na pagsisinungaling. “We should celebrate! You finally tell the whole truth,” pang-aasar pa nya dito. Hindi naman umimik si Paige. “This Drake?” usisa niya. “One of your past enemies?”
“Narinig mo naman, di ba? High school palang mayabang na ‘yon,” sagot naman nito.
Stephen suddenly stood. Nakamasid lang sa kanya si Paige. “Very well. Everything had been said.” Sya nalang ata ang may sekretong tinatago. At least he knew it was for their own good. “Dito ka na titira from now on.”
Nanlaki naman ang mata nito sa sinabi nya. “A-Ano?!” Mautal-utal na tanong nito. “Seryoso?”
“You heard it right.” Sabi niya at derektang nagpunta sa kwarto para magpalit. Baka ma-late pa sya sa klase nya. Kahit wala syang pakialam sa mga lesson nila, feeling nya marami syang na-miss na importanteng bagay pag nali-late sya. Besides, he wasn’t favor of wasting time.
Anong pinagsasabi nun? Dito na daw ako titira? Sobra naman ata yon. Kahit temporary naman ok lang. Nasobrahan ata ng bait yon a. Napaanga lang siya habang dinadigest lahat ng sinabi ni Stephen sa kanya. Nakita na nya itong lumabas ng kwarto matapos ang ilang minuto. Tinanong nya ulit ito baka kasi nabingi lang sya kanina. “You’re really letting me stay here?”
Nainis na ata ito sa kakulitan nya. “Maglinis ka nga ng tenga mo. Wag ka nang mag-inarte. Wala ka rin namang pupuntahan di ba?”
Nag-iinarte agad? Nagtatanong lang e. Paige made a face. “E san ka naman pupunta?”
“University of course.” Maikli niyang sagot saka ihinagis dito ang isang T-shirt at baggy pants. Hindi pa naman nya nasusuot ang mga yon. It was actually a gift from someone. Sayang lang kung hindi magagamit. Saka unisex naman ang kulay at design. May kalakihan nga lang. “Magpalit ka. Daig mo pa ang nakapatay dyan sa duot mo.”
Napatingin si Paige sa damit nitong puro dugo. Nakapatay agad? Sya na nga itong muntik mapatay. Pero mas pinili na nyang hindi magsalita. Baka magkainitan na naman silang dalawa e. Mapalayas pa sya. Bigla nyang naiisip ang Hartford. Na-miss nya tuloy pumasok. Hindi pa naman nya nawiwithdraw ang admission nya sa University. Kahit yong scholarship nya. Pero parang awkward naman kung papasok pa sya. Nakikituloy nalang nga sya kay Stephen e. Hindi rin naman sya makakapaghanap ng trabaho dahil sa sitwasyon nya.
“Iwasan na kasi ang pagiging amazona.” Narinig pa nyang sabi ni Stephen bago lumabas ng suite. May kasama pang insolent smile saka tumingin sa kanya. Hindi na naman sya nakaganti dahil nagsara na yong pinto. Naiwan tuloy syang nagsasalita mag-isa. “Kainis talaga.” Napakalayo naman ng ugali nito sa dating Stephen na nakilala nya.
Maya-maya ay narinig nalang nya na kumukulo na yong tyan na. Hindi pa nga pala sya nag-uumagahan. Naisip nya si Stephen. Nag-shower lang ito tapos pumunta na ng school. Hindi ba yon nagugutom? Tss. Bakit ba iniisip pa nya yon e naiinis nga pala sya dito? Naiinis na pero naiisip pa rin. Ano ba yon? Bigla nalang kumirot ang sugat nya. Pano sya makakakilos ng maayos nito? Bwisit talaga yong Drake na yon! Hindi nya mapigilang mainis kapag naaalala nya ang nangyari.
Biglang nag-ring ang cellphone nya. Si Margarette. Mabilis naman nyang sinagot gamit ang kaliwang kamay nya. Muntik pa ngang mahulog dahil hindi naman sya sanay ng left-handed. Buti nalang nasalo nya.
“Hello, Margarette.” Bati niya dito.
“Paige.” Mahina ang boses nito. “Magkita tayo. Ibibigay ko na yong mga gamit mo.”
“A-Ah. Sige, sige.” Nag-aalinlangan pa siya dahil baka mapagalitan na naman sya nung two-faced nerd na may-ari ng suite. “Sa’an ba?”
“Itetext ko nalang sa’yo.” The line went off. Binabaan na sya nito. Hmn? Ano kayang nangyari kay Margarette? Maya-maya ay nakareceive siya ng text galing dito.
| New Town Plaza |
New Town Plaza? Isang park yon na malapit lang naman sa Hotel. Aalis na sana si Paige nang mapansing hindi pa pala sya nakakapagpalit. Napatingin sya sa damit na ihinagis sa kanya ni Stephen. Wala na syang choice kundi ang isuot ito kesa magmukhang mamamatay-tao sa itsura ng damit na suot nya. Kahit na medyo mukha syang t-boom na rapper. Nahirapan pa nga sya dahil sa sakit ng kamay na iniinda nya. Bwisit talaga ang impaktong 'yon. Si Drake ang tinutukoy nya. Wag na wag ka ulit magpapakita sa'kin. Hmp! Humanda ka! Paige crinkled her nose. Hindi nya maiwasang ma-high blood dito sa ginawa nito sa kanya.
And after a long walk, narating rin nya ang meeting place nila ni Margarette. Madali naman nya itong nakita na nakaupo sa bench sa di kalayuan. Alam nyang si Margarette kahit nakatalikod. Katabi rin kasi nito yong bag nya.
Humihingal pa nyang binati ito. “Sorry kung natagalan nahirapan kasi a — …” Hindi na natapos ang sasabihin nya ng makita ang nakaaawang itsura nito. Marami itong pasa sa mukha pati sa mga braso nito. “A-Anong nangyari?” Kandautal-utal niyang tanong. Hindi naman kaagad ito nakapagsalita. Isang malamlam na ngiti lang ang sagot sa tanong nya.
Naupo si Paige sa tabi ni Margarette. “Si Boss ba ang may gawa nyan sa’yo?” Hindi niya alam kung bakit yon ang naitanong niya dito. Bahagya itong tumango at nakangiti pa rin kahit alam nyang napipilitan lang ito. “Bakit ka pumayag na gawin nya yan sa’yo?” Usisa pa niya.
“Sanay na ako, Paige.” Nagsalita rin ito ngunit medyo paos pa ang boses.
Naawa tuloy siya dito. Nang dahil sa nangyari na sya mismo ang dahilan, napag-initan tuloy ng Boss nila si Margarette. “S-Sorry…” Mahina niyang sabi dito. “Kasalanan ko ang lahat.”
“Hindi.” Tumingin ito sa kanya. “Okay lang. Wag mo nang sisihin pa ang sarili mo. It just happened.”
Curious sya kaya nagtanong ulit sya dito. “Lagi ka ba niyang sinasaktan?”
“Hindi lang naman ako e.”
“Ano!?” Nagulat siya dahil hindi lang pala ito ang nadamay sa kagagawan niyang gulo. Nakaka-guilty naman sa part nya. Hindi naman nya akalain na marami ang maapektuhan ng riot na yon.
“Lahat kami sinasaktan nya kapag nagagalit ito.” Paiwas pa itong tumingin sa kanya. “Kung minsan nga kahit walang dahilan.” Nagulat si Paige ng hawakan ni Margarette ang kamay nya. “Kaya nga nagi-guilty ako dahil ako ang nagdala sayo sa lugar na ‘yon.” Naluluha na ang mga mata nito.
“Hindi ka dapat ma-guilty.” Comfort niya at ngumiti dito. “Wala ka namang kasalanan.” Kung tutuusin sya ang dapat ma-guilty dahil maraming nadamay sa pagiging reckless nya. Mukhang tama nga si Stephen. Kelangan na nyang bawasan ang pagka-amazona nya.
“Wag ka nang babalik sa lugar na ‘yon.” Sabi nito sa kanya saka napatingin sa kamay niyang may benda. “Okay ka na ba?”
Tumango siya at itinaas pa ang
Comments (0)