Dating a Geek by Crimson Skye (e reader comics TXT) 📕
Read free book «Dating a Geek by Crimson Skye (e reader comics TXT) 📕» - read online or download for free at americanlibrarybooks.com
- Author: Crimson Skye
Read book online «Dating a Geek by Crimson Skye (e reader comics TXT) 📕». Author - Crimson Skye
“Ang alam ko lang hindi pinapapasok ni Sir Gregory ang kahit sino. Yon ang utos sa’min.” sagot naman nito.
Fishy. Na-link na naman ang pangalang yon. Bahagya siyang tumango at lumakad palayo sa sekyu. Napabuntong-hininga siya. Muntik na siya dun a. He had two leads now, si Christopher at isama na rin yong janitor kanina pati yong matandang Gregory na syang nag-utos na gawing private yong area na yon. Sa’n nga kaya nagpunta yong Christopher na ‘yon? Or should he better ask, where would that doorway leads? Pasalamat nalang siya kay Allen Richards sa pangalan nito. Kahit i-query pa nila yon sa information system ng University, na-alter na nya lahat ng data ni Allen Richards dun. He had hacked into the University’s data system and found a possible student to borrow the identification code. Yong Richards na yon ay med student na nag-drop na ilang araw pa lang naman ang nakakalipas bago pa sya pumasok sa University. Ang pagkakamali lang ng staff na naghahandle ng mga records dun, hindi na-delete yong data. Tuloy napakinabangan pa nya. Maliban nalang kung titingnan nila yong hard copy ng registration baka mabuko siya. Pero kahit na mabuko siya, hindi na rin naman siya mamumukhaan nito. Libu-libo kaya nag estudyante ng Hartford. Agad na syang bumalik sa storeroom para sa mga gamit nya. Hindi na sya pwedeng magtagal dun. Mukhang dumami na ang security nang sumulyap siya sa labas ng storeroom. Pambihira! Ganon kabilis nakapag-report yong sekyu na yon? Wala na syang ibang choice kundi dumaan sa vent. He climbed on a rack and pulled the screen. At bago pa man may makapasok sa pinagtataguan nya, wala na ni anino niya dun.
The passage had led him into the other storerooms and finally into the hallway. Tiempo naman na nagbago ng rotation ang surveillance cam. Tumingin muna sya nang kaliwa’t kanan bago bumaba galing sa ventilation passage. Walang tao sa hallway. He pulled himself together at saka lumakad ng parang walang nangyari. Nakasalubong pa nga niya yong isang sekyu pero hindi naman sya kilala nito. Hanggang sa may nakita siya sa di kalayuan, yong janitor na hinahunting rin nya at papalapit pa ito sa direksyon nya. He draw something from his vest pocket, a GPS chip tracker. Sinadya nya itong banggain at palihim na inilagay ang chip sa damit nito. Peace of cake. It was easy as what he always do. Napatingin naman ang lalaki na nasa edad trenta na.
“Sorry,” sabi niya dito, sabay lihis ng tingin. Napabuntong-hininga lang ito at nagpatuloy na sa pupuntahan. Palihim naman siyang napangiti. This is getting even better. Ilang sandali pa ay nakalabas na sya ng building. Nakita sya ni Paige at saka tinawag. Parang langaw naman na nakasunod dito si Nicholas.
“Uy! Anong ginagawa mo dito?” tanong ni Paige.
“Wala. Ayaw nila akong papasukin.” sagot niya na ang tinutukoy ay ang pinanggalingan. Epal rin sya kung minsan. Ayaw daw papasukin o? Baka kasi magtanong ito kung anong ginawa nya sa lab.
Natawa naman si Paige. “Sira ka rin. Hindi ka naman med student e! Sadyang hindi ka nila papapasukin dyan.”
Baka humaba pa ang diskusyon kaya iniba na niya ang usapan. “E ikaw? Bakit nandito ka? Di ba dapat nagpapahinga ka?”
Si Nicholas naman ang sumagot. “C’mon, dude!” Biglang tapik sa likod ni Paige. Ok lang sana kung simpleng tapik lang e halos tumalsik na baga nito e. “Mas barako pa kaya ito sa’tin!” dagdag pa ni Nicholas sabay tumawa ng ubod lakas. Paige scowled and hit his head in return.
Napagitna naman si Stephen sa kanila. “Tama na nga yan. Our next class would start soon. Mamaya nalang kayo mag-away, ‘kay?”
Napatigil si Paige. After class? Isang araw na naman pala ang lumipas! Her eyes suddenly widened. Mrs. Davis! Ngayon na pala ang deadline! Agad siyang namutla. Wala pa kaya siyang pambayad! Ano nang gagawin niya ngayon? Bakit nga ba nakalimutan na nya yong bagay na yon!? Nakakain lang ng pasta e nakalimutan na yong dapat niyang bayaran! She was so damned dead. Naiwan na sya nung dalawa sa kabagalan niyang maglakad. Nicholas turned to her and called out. Pilit lamang siyang napangiti. Sure na sure na sya na papalayasin na sya nung bruha na yon pag dating nya sa bahay. Saan na sya ngayon matutulog? Sa kalsada? Ehm sa tabing kalsada rather. Napakagat-labi siya sa kakaisip. Sinong tutulong sa kanya ngayon? Wala naman siyang kamag-anak doon. Isang pangalan na naman ang nag-flash sa isip nya! Stephen. Mabenta ata ang pangalan nito. Hindi nga nya kamag-anak pero baka mapakiusapan naman niya. Dali-dali niya itong hinila saka lumingon kay Nicholas at sinabing mauna na ito sa kanila.
Stephen gazed down on her with a puzzled look. “O bakit?”
She took a deep breath before saying, “P-Pwede bang…?” Nauutal pa siya at nagdadalawang-isip. Baka kasi kung ano pa ang isipin ni Stephen na malayo sa real reason nya. It was also an awful thing for a girl to ask pero wala na syang choice e. Huminga ulit siya ng mas malalim. Released. Hindi. Hindi niya kayang sabihin.
“Pwedeng ano?” Narinig niyang tanong ni Stephen.
Ito na. Naninikip na ang dibdib niya. Her breath was really tightening on her chest in an irregular rhythm. “Pwede ba akong tumira sa bahay mo?” At yon nga! Nasabi na niya.
Hindi tuloy maka-react si Stephen sa narinig. What!? Titira sya sa bahay? Ok lang ba sya? Ano namang dahilan at bahay ko pa napili nito? He cleared his throat. “Ano bang sinasabi mo?” Kalmado pa rin ang boses nito.
“A-Ang ibig kong sabihin, pwede ba akong makitira sa bahay mo kahit ilang araw lang?” Explain niya. Nakakaawa na ang itsura niya. Sinasadya nya talaga yon. “Hindi pa kasi ako nakakabayad ng upa ko sa bahay na yon. Tapos, wala pa akong part-time… Tapos… yong land-lady namin masyadong sakim sa pera. Alam ko na kelangan kong maghanap ng panibagong matitirahan pero wala pa akong time sa ngayon tsaka wala pa rin akong pera. Wala rin naman akong kaibigan. Ikaw at si Nicholas lang ang pwede kong lapitan. So ple — …”
“Sorry,” putol ni Stephen sa sasabihin pa ni Paige. Kahit na gusto niyang i-approach ito in a more gentle way wala naman siyang maiisip kung papaano baka lalo lang itong umasa kung magpapaligoy-ligoy pa sya. Hindi rin naman ibig sabihin nun na ayaw nya itong tulungan. In fact he wants to, but he cannot let Paige stay with him. Lalong magugulo ang buhay niya kapag nakidagdag pa ito. “I’m sorry. Ask me anything but not that. Kausapin mo nalang si Nicholas baka matulungan ka noon.”
Lalo namang naging mukhang kawawa ang face ni Paige. At bago pa man siya makapagsalita, Stephen turned his back to leave. “Uy, Stephen…” Mahina niyang tawag dito pero hindi na siya nito nilingon. Kausapin daw si Nicholas e alam naman ng lahat na katulad rin nya ito. Isa ring scholar na pinagkakasya ang sarili sa isang maliit na apartment kasama ang mga magulang nito at pitong kapatid. Nasapo na lang niya ang noo niya na puno na siguro ng wrinkles. Ang hirap naman kasing mabuhay kung walang pera! Nakaka-stress. Ngayon, mukhang sa sidewalk muna siya magpapalipas ng gabi. She was so dreadful, pathetic girl… homeless, friendless, at penniless. Hay. Ano ba naman ‘to? Lahat nalang less.
Chapter EightHindi nagpakita si Paige nang hapong yon. Malapit nang matapos ang klase pero wala pang Paige na nagpapakita. Stephen draw out a sigh. Kasalanan ba nya kung bakit ito absent? Napatingin sa kanya si Nicholas. “Nasaan si Paige?” The guy mouthed. Napakibit-balikat lang siya. Wala rin siyang idea kung saan ito nagpunta. Baka naghahanap ng matutuluyan o di kaya ay naghahanap ng pwedeng hingan ng tulong.
And there it goes. Natapos na nga klase at time na rin para magsiuwian ang lahat. Nicholas called out for him in the hallway. Ayan na naman sya. He was sure that it was about Paige again. “Nasaan nga kaya si Paige?” Tanong pa nito. At hindi nga siya nagkamali. Kelan pa ba siya naging police station na pwedeng pagtanungan ng mga nawawala. Intel agent po siya.
“Wala rin akong idea kung nasaan siya.” He turned to his watch. It was past six. Lumingon siya kay Nicholas. “Baka nauna nang umuwi sa atin.” Okay nang sabihin nya yon kahit hindi siya sure kung nakauwi na ba talaga ito, wag lang siyang kulitin ni Nicholas.
Napasang-ayon naman niya ang nerd at sabay na rin silang naglakad palabas ng building. Silence took over. “Alam mo ba nakakaawa si Paige,” basag nito sa katahimikan. He had no idea what this guy was fussing about kaya mas pinili nalang niyang makinig kay Nicholas. “Mag-isa nalang kasi siya sa buhay. Namatay yong mama nya halos isang taon na mula ngayon.” Stephen narrowed his eyes but chose to keep his silence. Ano ba naman yan? Parang nakokonsyensya na tuloy siya. Paige had been nice to him, kahit na weird-looking pa ang itsura nya sa suot niyang eyeglasses. Pero may mga bagay lang talagang dapat siyang i-consider that he could not easily agreed upon. Hindi na naman siya average college student na allowance at bills lang ang iniisip. No. Not anymore.
Sa gitna ng kanyang pag-iisip, Nicholas spoke again, “Kumusta nga pala ang aikido?”
“Aikido?” Ulit pa niya saka sumulyap sa katabi. Mukha namang tama siya ng dinig. Excited kasi ang mukha nito at may pag tango pa. Stephen twisted his lips. “Medyo mahirap pero fulfilling.” He shove a hand into his pocket habang pababa sila ng hagdan. Napakatahimik pala ng University pag gabi. They had passed several rooms and most of them were already vacant. Konti nalang ang may klase at konti rin lang ang mga estudyante na uma-attend ng night class.
“Ilan naman ang nakuha mong grade sa aikido class mo?” usisa pa nito sa kanya.
Natagalan bago pa siya nakasagot. “I got F for Failed?” Nakangiti niyang sabi dito. Pinagtawanan naman siya ni Nicholas. Iniisip siguro nito na halos magkatulad lang pala sila kung kukuha ito ng aikido class. Stephen just laughed, shaking his head. Hindi naman kasi yon totoo. He got an A+ to be honest.
Napatingin siya sa may kaliwa niya at agad na napatigil. It was Christopher heading into that building again. Ano bang meron sa research lab na yon at binabalik-balikan ng mokong na to? At this point of hour, what would a normal student like Christopher do on that research-reserved spot? Naalala tuloy niya yong usapan ng med student at nung mokong.
Nalampasan na sya ni Nicholas kakatingin kay Christopher na parang multong nawala na naman. “Bakit ka napatigil?” tanong ng classmate nya. Wala na siyang time para sagutin pa ito at nagmamadaling bumalik ng building.
“Sa'n ka pupunta?”
“May nakalimutan ako,” sagot niya. “Mauna ka na.”
Napataas ang kilay nito. Bakit nga ba ganun itong si Stephen? Parang ewan na kung saan saan pumupunta at sumusulpot. Nagkibit-balikat nalang ito saka nagpatuloy sa paglalakad. Wala na naman siyang pakialam sa kung ano mang business nito. Namilog ang mga mata nito nang maalala na ngayon nga pala ang football finals! Nagmamadali tuloy ito sa paglalakad. Medyo malayo-layo rin ang gate. Sobrang tahimik naman ng paligid at siya nalang nga pala ang naglalakad palabas. Lumingon siya para tingnan kung nakababa na ba ng building si Stephen pero wala pa ni anino nito. Napakadilim rin pala sa University kung gabi. Lamp post
Comments (0)