American library books » Romance » Reckless Heart by Crimson Skye (ereader for android TXT) 📕

Read book online «Reckless Heart by Crimson Skye (ereader for android TXT) 📕».   Author   -   Crimson Skye



1 2 3
Go to page:
Reckless Heart

Tatlong tao lang ang pinahahalagahan ni Crystell Zeal sa buhay niya. Una, ang Daddy Frerdinand niya na parang isang tunay na prinsesa ang turing sa kanya kahit na anak lamang siya nito sa labas. Ni minsan ay hindi siya ipinagkaila nito sa organisasyon, sa halip ay taas-noo pa siyang ipinagmamalaki nito sa kabuuan ng Mafia Group. Utang niya ang lahat sa Daddy niya.

Sumunod ang kuya Justin niya. Kahit na hindi naging maganda ang trato nito sa kanya sa simula pa lang, iginagalang pa rin niya ito bilang nakababatang kapatid. Bukod pa rito, mataas ang tingin niya dito. Wala siyang pakialam kahit na ano pa ang mga masasamang bagay ang ibinabato ng iba sa kuya niya. Marahil ay dala lamang ng tinatawag na inggit kaya ganoon nalang ang tingin ng mga ito.

Si Lance, ang kanang kamay ng Daddy niya ang ikatlo. Even at first, she couldn’t deny the fact that she had like him. Ang cool kasi nito. Kahit kailan ay napaka-professional ng dating at may sense of responsibility sa bawat kilos nito. In fact, gusto na niyang sabihin dito ang nararamdaman niya. And she definitely will kapag nagkaroon siya ng pagkakataon.

Kung nagtataka kayo kung bakit wala ang Mommy niya at tatlong tao lang ang nabanggit, iyon ay dahil hindi niya nakilala ang Mommy niya. Bata palang ay lumaki na siya sa pangangalaga ng Daddy niya. Magkaganoon man, hindi siya galit sa ina niya. Marahil ay may rason kung bakit hindi na niya ito kasama pa sa mga sandaling yon.

“Crystell,” tawag ng isang boses sa labas ng kwarto niya kasunod ang sunod-sunod na katok sa pinto. Naputol tuloy ang pag-iisip niya sa kung paanong approach ang gagawin niya kay Lance. Mabilis siyang tumayo at binuksan ang pinto. Nanlaki ang mata niya ng makitang ang lalaking kanyang iniisip, ilang sandali palang ang lumilipas ay nasa harap na ng pinto niya. Alive and real.

“A-A… Lance! Ikaw pala!” Bungad niya. “Bakit?” Dali-dali siyang lumabas ng kwarto para harapin ito.

Ngumiti naman ito saka sinabing, “Your Dad called. Samahan daw kita sa boutique para fitting ng gown for your birthday.”

Natigilan siya. Oo nga pala! Muntik na niyang makalimutan. Schedule of fitting nga pala ngayon ng gown na pinatahi ng Daddy niya for her twentieth birthday. “Muntik ko ng makalimutan ang bagay na yan.” Sumulyap siya dito. “Sandali lang. Magbibihis na ako.” Tumango lang ito at saka ngumiti.

Naiwan si Lance sa labas ng kwarto para hintayin ito. Maraming gumugulo sa isip niya. Maraming bumabagabag sa konsensya niya. Maraming bagay ang hindi niya kayang ipaliwanag. Bahagya siyang sumandal sa malawak na pader habang nakatingin sa kawalaan. Dalawang araw nalang at maisasakatuparan na niya ang matagal na niyang pangako. Dalawang araw nalang at makakalaya na siya sa nakaraan na paulit-ulit na bumabalik sa kanyang ala-ala. Huli na para magdalawang isip. Matagal na niya itong pinagpaplanuhan at pinag-isipan ng maraming beses. Buo na ang pasya niya. He couldn’t afford to back out now. He had all the resources he needed. Marami na siyang sinakripisyo. Maraming taon ang nawala at nasayang. Maraming taon ang kanyang pinadusahan at ngayon nga ay makukuha na niya ang gusto niya.

Lumabas si Crystell ng kwarto niya ng hindi namamalayan ni Lance. Nakita nitong nakatingin sa kawalan ang binata at mukhang malalim ang iniisip. Bakas sa mga mata nito ang kalungkutan. Ngunit sa kabila niyon ay may kung anong galit siyang nakita na nagdulot ng kaba sa kanyang dibdib.

Napansin siya nito saka ngumiti. “Andyan ka na pala.”

Agad naman siyang umiwas ng tingin dito at isinantabi ang kabang naramdaman. “Hindi pa naman natatagalan,” sabi niya saka ngumiti dito. “Anong iniisip mo? Mukhang malalim ah. Hindi maabot ng utak ko.”

Natawa naman ito pero halatang napipilitan lang. “Ah. Wala yon. Just memories. Mga ala-alang ayaw ko nang balikan pa, pero paulit-ulit akong dinadalaw.”

Sabay silang naglakad palabas ng mansyon. Naghihintay sa labas ang isang black limousine at dalawang tauhan ng kanyang ama. Pinagbuksan sila ng mga ito ng pinto at saka pinaandar ang sasakyan para agad na umalis.

Habang daan ay tahimik lang si Lance na nakatingin sa mga nadadaanan nilang sasakyan at mga gusali sa labas ng tinted glass na bintana nito. Kahit na doon nakatingin ay alam naman ni Crystell na malalim na naman ang iniisip nito. Ito ang tipo ng tao na napakamalihim at misteryoso. Pero sa lahat ng tauhan ng Daddy niya, kay Lance lang magaan ang loob niya. Dahil na rin siguro sa good looks at kakaibang aura nito. Isa sa mga dahilan kung bakit nahulog na rin ang loob niya ng hindi inaasahan.

Maya-maya ay narating na nila ang boutique na pagmamay-ari ng kaibigan ng Daddy niya. Miyembro rin ito ng Mafia at nanggaling sa mayamang angkan. Made from finest textiles ang oyster-colored gown na ipinasuot sa kanya. Napakaganda ng design at sadyang pinaghirapan ang bawat pattern nito.

Matamang pinagmamasdan ni Crystell ang reflection niya sa full-length mirror sa gitna ng fitting room. Mukha siyang…

“Prinsesa,” narinig niyang wika ng isang pamilyar boses sa likuran niya.

Agad niya itong nilingon. Si Lance. She blushed in an instant. Sabihan ka ba naman na prinsesa ng taong lihim mong mahal? Ano pa ang mas magandang compliment doon? Nagkunwari naman siyang walang narinig. “Ha?” Pakunway maang na tanong ni Crystell.

“You look like a princess,” sabi naman nito saka ngumiti. His smile was really wonderful even in its own simple way na lalong nakapagpabilis sa tibok ng puso ni Crystell.

Natawa naman siya sa narinig. “Salamat. I liked it so much.” Amin niya dito. Saka muling humarap sa salamin. “Hindi nagkamali ang taste na pinili ni Dad. Gusto ko ang kulay at design. He’s the best Dad ever!”

Pagdating kasi sa mga gown, hindi siya masyadong magaling pumili ng design kaya naman ipinaubaya nalang niya sa Daddy niya ang pagpili nito. Natigilan siya ng makita ang pagiging seryoso ng mukha ni Lance sa salamin. Hinarap niya ito saka tinanong, “May problema ba? Kanina ka pa tahimik.”

“Bakit? May nagbago ba?” Pabirong tanong nito.

Alam niyang tahimik nga ito pero iba ang ikinikilos nito kesa dati. “Mas lalo kang naging tahimik.” Ngumiti lang ito saka lumabas ng fitting room. Sumunod na rin siya dito matapos makapagpalit.

Pabalik na sila ng mansyon nang maisipan niyang tumigil pansamantala para hintayin ang paglubog ng araw sa may dalapasigan na malapit lang sa main road kung saan lagi silang dumaraan. Bihira lamang ang nakakapansin sa lugar na yon. Nakapark ang sasakyan sa gilid ng daan habang nakamasid si Crystell sa bawat hampas ng alon sa malapit na dalampasigan. Naupo siya sa cemented sea wall at nilanghap ang sariwang hangin na nagmumula sa karagatan. Konting oras nalang at hihimlay na ang araw sa malawak na kanluran.

Umupo sa tabi niya si Lance. Sumulyap siya rito at ngumiti saka muling ibinalik ang tingin sa palubog na araw. Sa ganitong paraan sumasaya siya. Mahirap ang mapabilang sa angkan ng Zeal. At lalong mahirap maging anak ng isang miyembro ng kinatatakutang Mafia. She was free but not as free as an ordinary, country girl. Gusto niyang maranasan ang maging isang pangkaraniwang tao lamang. Yong walang laging nakasunod na tauhan ng Daddy niya. Sapat nang si Lance lang ang kasama niya. She already felt protected and safe when he was around. He was quite enough.

Sa kabilang dako, sa bawat minutong lumilipas… sa bawat segundong dumadaan… sa unti-unting paglubog ng araw… bumibigat ang hindi maipaliwanag na sakit na namamayani sa kalooban ni Lance. Sakit na hindi niya alam kung paano dadalahin. Sakit na habang buhay niyang dinadala. Sakit na mabuhay sa maling sitwasyon. Sa tuwing nakikita niya ang mga ngiti ng babaeng nasa tabi niya, nawawala ang galit sa puso niya. Napapalitan ito ng kapanatagan na noon lang niya naramdaman. He wanted to protect this girl. But as the memories came back, bumabalik na naman ang sugat na muntik ng maghilom and his back on his core. Bukod pa doon, alam niyang wala siyang maidudulot na magandang bagay sa buhay nito kundi pasakit. Sakit na ayaw sana niyang maramdaman nito. Sakit na alam niyang walang kapatawaran.

Sumulyap si Crystell sa lalaking nasa tabi niya. “Pwede ba?”

Nabaling ang atensyon nito sa kanya. “Pwedeng?”

“Pwede bang ngumiti ka naman,” biro niya dito. “Pwede bang sabihin mo minsan ang laman ng isip mo?”

Isang sarkastikong ngiti ang pinakawalan nito. “Kung sasabihin ko sayo. Hindi mo rin maiintindihan.”

“Bakit hindi mo subukang ipaintindi sakin?”

“Kung maintindihan mo man, alam kong sa katagalan ay mas gugustuhin mo pang hindi mo nalaman,” makabuluhan naman nitong sagot at ngumiti sa kanya. “May mga bagay na mahirap intindihin hindi dahil sa hindi natin maintindihan kundi dahil mahirap tanggapin.”

Isang malalim na buntong-hininga ang binitiwan ni Crystell matapos marinig ang sagot nito. Sa mga salitang binibitawan ni Lance, mukhang mabigat ang problemang pinagdaraanan nito kaya mas pinili nalang niyang hindi na ito tanungin pa.

“Buti nalang hindi ka nagmana sa kuya mo,” narinig niyang sinabi nito.

“Mabait naman ang kuya ko a,” depensa niya. “Marami lang ang hindi nakakaintindi sa kanya.”

Lance simpered in silence. Marami ngang hindi nakakaintindi sa Justin na yon. Marami, dahil sa masamang ugali nito. Si Crystell lang ang tanging tao na nakakaintindi dito o umiintindi dito ang mas akmang salita. Bukod sa mga babae, wala na itong ibang pinagtutuunan ng pansin kundi ang pagsusugal at waldasin ang buong yaman ng pamilya sa mga walang kwentang bagay. Wala naman siyang pakialam sa mga bagay na ginagawa nito. Dapat pa nga siyang matuwa kung tutuusin.

“Sa totoo lang, nahihirapan ako sa tuwing nakikita kitang ganyan. Isa ka sa importanteng tao sa buhay ko,” nasabi na nya ng hindi inasahan ang laman ng isip niya. “You’re special to me at sa tingin ko… I have loved you for quite long.” Nagulat rin siya sa nasabi pero mas pinili na niyang hindi na magsalita pa.

Natigilan si Lance sa narinig. Lalo lamang bumigat ang nararamdaman niya. He loved her more than she loved him. Pinipili lang niyang manahimik nalang sa pag-aakalang siya lang ang nakakaramdam nun. Paano nya sasabihing mahal niya ang taong alam nyang masasaktan rin nya sa huli?

“Sorry.” Yon nalang ang salitang lumabas sa bibig niya.

Sorry hindi dahil sa hindi kita mahal. Sorry dahil mahal na mahal kita at ayaw kitang masaktan in the end. Sorry dahil hindi tayo nakatadhana para sa isa’t isa. Nakatadhana tayong magkakilala pero hindi ang magkasama. At isa pa, sorry rin sa sakit na idudulot ko sa kalooban mo. Yan ang sinasabi ng puso niya.

“Lance…”

Bakas sa boses nito ang sakit na naidulot ng simpleng sorry na nasabi niya. It takes too much courage to confess on someone especially when it’s way too real. At humahanga siya sa katapangan nito. He gently cupped her face and kissed her all of a sudden na ikinagulat nito. It was gentle and warm just like the million sunrays flashed by the setting sun in front of them. Namalayan nalang niya ang pagtulo ng luha nito.

“I don’t loved you the way you loved me,” bulong niya dito saka tumayo para bumalik sa naghihintay na sasakyan. Para namang walang nakita ang mga tauhan ng boss niya at kanya-kanyang iwas. Pinagbuksan siya ng isa sa mga ito ng pinto at saka siya pumasok.

Habang nasa loob ng sasakyan ay kay Crystell pa rin siya nakatingin. Nakaupo pa rin ito sa sea wall at halatang umiiyak. Mabait ka. Maganda. You’re a perfect girl. But we’re not living a perfect life. We had a complicated one. Nagpapasalamat ako dahil ako ang minahal mo. He sighed. The pain in his heart grew more.

Maya-maya ay pumasok na rin ito ng sasakyan at isang sampal ang sumalubong sa kanya. “How dare you?” Seryosong sabi nito saka umupo na kaharap siya. Bakas sa mukha nito ang galit at sakit. “Sino ka ba sa inaakala mo?” Muling tumulo ang luha nito at hindi na napigilan pa ang pag-iyak.

Nanahimik lang si Lance. Sa bawat luha na pumapatak sa mga mata nito ay parang kutsilyo na humihiwa sa puso niya. Gusto niya itong yakapin. Gusto niyang sabihin na mahal na mahal niya ito. Gusto niyang punasan ang

1 2 3
Go to page:

Free e-book: «Reckless Heart by Crimson Skye (ereader for android TXT) 📕»   -   read online now on website american library books (americanlibrarybooks.com)

Comments (0)

There are no comments yet. You can be the first!
Add a comment