25th Hour by Micah Fruto (e textbook reader .TXT) π
Read free book Β«25th Hour by Micah Fruto (e textbook reader .TXT) πΒ» - read online or download for free at americanlibrarybooks.com
- Author: Micah Fruto
Read book online Β«25th Hour by Micah Fruto (e textbook reader .TXT) πΒ». Author - Micah Fruto
"Oo bakit?"
"Pahiram po.." kinuha niya yung kutsara ko.
Kumain naman na siya nun kaya turn ko naman na manood sa kanya. Ang bagal nga niya nun eh. Bigla siyang tumingin sa akin ng nakakaloko kaya napaatras na lang ako bigla.
Tinawanan ba naman ako.
"Riel.."
"Yeah?!?" parang ang hilig niya akong tawagin sa pangalan ko ngayon.
"May mahalaga akong sasabihin."
Tumayo naman siya at may nilabas siya sa bulsa niya. Nung tinignan ko, dalawang chocolate bars. Nilapag niya sa table yung isa, at yung isa eh hawak-hawak niya.
"Remember the day na tinanong kita kung ano sa panlasa mo ang chocolate?"
Nag-isip naman ako. Yun kaya yung nasa shop nun?
"Yeah.. I think so.." hindi pa ako sigurado nun.
"Alam ko na kung anong lasa ng chocolate.."
"Marami naman nakakaalam ng lasa ng chocolate 'di ba?" umiling na lang ako.
"Nakalimutan mo na no?" sabi niya sa akin, "I said, alam ko na ang lasa ng chocolate."
"Yeah, I heard." ang sungit ko naman.
"Alam ko dahil sa iyo.."
Dumaan naman si Carlo at tinapik ng malakas si Jasper doon sa balikat niya. Tinignan lang siya ni Jasper.
"Oh come on Jasper... just get to the point!" tumingin si Carlo sa akin, "He's just saying alam na niya yung lasa ng chocolate..." tapos natawa siya.
"Yeah.. that's right." ngumiti lang si Jasper, "Binibigay ko sa iyo yung sa akin.." inabot niya yung chocolate bar sa akin. "Please say YES."
"Para saan?!?"
Saka ko na-realize, yung chocolate bar nga pala.
"Ooh.. ok.. Sure." kinuha ko naman.
Parang natuwa si Jasper nun kaya kakatakot dahil bigla na lang siya nag-lean bigla-bigla sa side ko and then..
Hinalikan niya ako sa pisngi..
Nakakarami na ito ah!! Suntukin ko kaya?
Bigla na lang tumakbo doon kasama si Carlo at hindi ko alam kung saan papunta.
Now that was weird!!! ***27*** Dumating naman na si Kay nun at tinignan ako. May dala-dala na siyang pagkain which is medyo late na dahil naman nakakain na ako ng soup. Hindi na rin ako masyadong gutom nung mga oras na iyon.
Napansin kong nakatingin siya sa direksiyon kung saan tumakbo si Jasper at si Carlo at magkasalubong naman yung kilay niya. Saka siya umupo doon sa harapab ko.
"Na-pano na naman yung dalawang tao na iyon?" tinuro niya yung likuran niya gamit yung tinidor niya, "Mukhang malaki na naman ang tama sa utak."
"That's too harsh cousin.." yun na lang sinabi ko sa kanya at binuksan ko yung chocolate.
"Don't you 'thats-too-harsh-me-cousin' ah." tinignan niya ako habang kumakain siya, "Hindi ka ba hina-harass nung mga yun?"
"Hindi naman.. they were just giving me..." napaisip ako doon sa hawak ko, "Chocolate."
Matapos namin kumain lahat at natapon na yung mga pinagkainan namin sa basurahan, umakyat muna kami sa taas doon sa may room namin dahil mamayang hapon na daw sisimulan yung recollection. Yung iba kasi eh nagswi-swimming pa kaya pinayagan na nila.
Nagising naman ako nung hapon dahil binagsakan ako ni Kay ng unan sa mukha. Tinatawag daw yung mga seniors sa baba at may ibibigay daw sa amin na kung ano.
Dahil nga kagigising ko pa lang nun, medyo wala pa ako sa mood magisip-isip at lalung-lalo na wala sa mood maglakad. Hinila lang ako ni Kay hanggang sa baba doon sa maraming monoblocks at naupo ako doon.
May hawak na microphone uli yung babaeng nagsasalita kanina. Tinignan ko lang siya at may mga kulay pula siyang papel na hawak at yung isa eh kulay brown.
"Seniors, itong mga hawak ko eh dalawang magkaibang bagay. Yung brown na korteng maliliit na kamay eh.. 'Slaps'. Bibigyan ko kayo ng limang slaps para kung may sa tingin kayo na ginawa ng isang tao na hindi maganda, ilalagay mo yung reason doon sa line at ididikit mo doon sa katapat ng name ng taong bibigyan mo. Hindi mo kailangang ilagay yung name mo, anonymous dapat." tinaas naman niya yung pula, "Ito naman na korteng lips eh.. 'Kisses'. Kapag may mabuti sa iyo na ginawa yung classmate mo o friend mo, ididikit mo naman yung kisses sa tapat ng name niya. At the end ng recollection, titignan natin yung pinakamaraming kisses at siya yung mabibigyan ng award. At titignan natin yung pinakamaraming slaps..then.. ilalagay natin sa hot seat."
May nagtatawanan naman doon sa likuran ko kaya hindi ko masyadong maintindihan yung sumunod na sinabi nung babae. Nung lumingon ako, yung dalawang ewan pala.
"Ilalagay ko lahat ng slaps ko sa 'yo!" sabi ni Jasper, "Bakit kaya slaps? May mga lalaki kaya dito!"
"Ayos lang yan, outnumbered naman tayo eh.." nag-inarteng bading si Carlo. Napatingin siya sa akin, "For sure, may limang kisses ka na Riel."
Tinignan siya ni Jasper at humawak sa balikat niya.
"Anong sinabi mo?!?"
"Sabi ko may limang kisses na siya na sigurado.." tinignan naman siya ni Carlo.
Biglang yumuko na lang si Jasper. Ayaw na niya ipakita mukha niya sa akin.
After that, binigyan nga kami ng limang slaps at limang kisses. Hindi mo pwedeng ibigay sa sarili mo yung kisses or slaps dahil may certain number yun. Tignan lang nila yung number, alam nila kung kanino galing pero hindi nila ire-reveal.
Pinagharap-harap kami nun. Unang-unang tinuro sa amin eh yung... TRUST. Siyempre sa mga ganyan alam mo na yung madalas ginagawa para sa test of trust. Yung babagsak ka tapos sasaluhin ka nung kasama mo. Ka-partner ko nun si Kay, kaya medyo kinakabahan ako. Mas matangkad kasi ako sa kanya at dahil babae siya, baka di niya ko kayanin. At least siya medyo maliit-liit kaya ko naman.
"Kay naman huwag mo akong ibabagsak ah!" sinabihan ko siya nung naka-ready na ako sa harapan niya.
"Kaya nga inimbento 'to.. para sa trust 'di ba?"
"Yun nga eh wala akong trust sa iyo!" pero pabiro lang naman yun kaya tumawa rin si Kay.
Nagbilang naman na yung babaeng nasa harapan namin at at the count of three daw, babagsak na kami.
"1...2.." nung naka-two na, may narinig akong nagsalita sa likod ko.
"Three.."
Hindi ko tuloy ako natumba. Napatingin ako sa likod ko. Dahil nga kitang-kita doon sa buong chapel na ako lang yung nakatayo maliban doon sa mga sasalo, lumpait yung babae sa akin.
"Miss.." tinignan niya yung name ko, "Riel.. go.."
"Pwede po bang.." pwedeng ano?
Bakit si Jasper pumalit kay Kay?
Tumalikod ako nun. Hindi ko kaya 'to. Hinihintay ako nung babae na bumagsak doon sa likuran ko.
"Please huwag mo akong ibagsak.. please huwag naman..." bumulong-bulong na lang ako ng paulit-ulit.
"I won't let you fall Riel. Trust me.."
Trust him daw?? Do I really?..
close your eyes... AAHHHHHHH!
Then... wala na. Bumagsak na ako doon na parang wala lang.
Pagdilat ko nun, nakangiti siya sa akin kaya tinulak ko nga.
"Sabi ko nga eh tapos na.." yun na lang sinabi ko.
Tumayo naman ako tapos siya eh medyo nakaluhod pa.
Bigla namang may nag-asaran na mga classmate namin kasi kami lang yung pinakahuling gumawa nun. Tinignan ko si Kay na nakacross finger pa.
"Lagot ka sa akin!"
"I owe her alot.." narinig kong bumulong si Jasper sa akin.
"Sino?"
"Si Kay.."
Nagtaka namana ko sa kanya kaya tinitigan ko lang siya.
"Kasi kung hindi dahil sa kanya..."
"Hindi ko marerealize na mas mahal ko pala yung tulay kaysa sa kanya..." ***28*** Hindi ako makapagsalita nun. For some reason, tinitigan ko lang siya at wala akong masabi. Sinasabi niya ba sa akin na...
"Sinasabi mo ba na..." hindi ko matuloy yung sasabihin ko.
"Ano ba sa tingin mo ang sinasabi ko?" binalik niya sa akin yung tanong.
"S-sinasabi mo na.. mah--," itutuloy ko ba? "Na... mahal mo yung tulay."
Ngumiti siya sa akin tapos bigla akong tinapik sa balikat ko. Akala ko kung anong gagawin dahil lumapit siya ng lumapit sa akin, then dinikit niya sa noo ko yung isa sa limang 'kisses' niya na galing doon sa babae kanina.
As usual, nag-asaran na naman pero nag-continue na kami sa activity namin. Si Kay eh ginulo pa nga yung buhok ko at si Carlo eh inaasar din si Jasper nung magkasama na sila.
Mahal ni Jasper yung tulay... hindi yung nasa kabila ng tulay. Ain't that something?
Eh ako? Mahal ko ba yung gustong tumawid ng tulay???
Ewan ko. Ang gulo ko rin no? Siguro nga matagal ko nang alam yung sagot doon, hindi lang ako sigurado. Basta sa ngayon ang mahalaga...
HINDI AKO NATUMBA!!!
***
Kinagabihan nung first day namin, bandang 6 o'clock na yata nung pinatawag na naman kami para bumaba sa mga kwarto namin. Ang nakakahiya pa nun eh maaga akong nag-Pj's kaya nagpalit na naman ako ng denim shorts at blouse para naman hindi ganun yung itsura ko. Kitang-kita mo na nagsisibabaan sa hagdan yung mga lalaki sa kabilang building at casual na rin yung mga pansuot nila.
Ano ba naman kasi ang activity ganitong maggagabi na?
Pinadiretso kami doon sa damuhan nung resort malapit doon sa basketball court. May kung anong maliwanag na kitang-kita mo malayo pa lang. Si Kay din eh walang idea kung ano iyon, kaya binilisan na lang namin yung lakad.
May mga nauna nang seniors doon sa damuhan at nakapaikot sila doon kumpul-kumpol na damo at kahoy. Sa unang tingin mo eh parang campfire na yung nasa gitna. Pero hindi nag-aapoy eh. Maliwanag lang at mainit.
Naupo na kami ni Kay doon sa gilid. Nung natapat kami doon sa parang campfire, nakita namin na may kandila doon sa ilalim pero hindi naman nasusunog yung damo. Ang weird?!? Para saan naman yun?
Nag-settle na lahat doon na nakapaligid doon sa campfire 'kuno' at may mga teachers na rin sa gilid. Nandun na naman yung pinaka-speaker ng program, yung babae uli kanina.
"Seniors, hindi ba kapag nagka-camp kayo eh may mga campfires? This one is just an improvised campfire. Hindi kasi tayo pwedeng magsunog dito sa resort eh kaya nag-create na lang kami na ganun din naman yung spirit, at ganun din yung dating." May hawak siyang stick na pinangtutulak niya nung damo, "May tatlo na kandila doon sa ilalim nung damo. It represents three things: Family, Friends, and our Special Someone." syempre nag-ingayan na naman dahil doon sa pangatlo, "Nakikipagtalo sa akin yung ibang seniors na nauna dito kanina at mas gusto daw nilang tawaging CRUSH lang."
May nilabas siyang isang bowl na may lamang tatlong bola na iba't ibang kulay. Red, blue and Yellow. At eto na naman ang explanation niya..
"Papaikot, bubunot kayo dito. Kapag ang nakuha niyo eh Yellow, magkukuwento kayo ng mga memories niyo about your family, kapag blue eh sa friends mo at syempre Red kapag sa special someone." hinawakan niya yung bowl, "Para fair sa lahat, ako ang magsisimula."
Nakatingin lang kami sa kanya habang bumubunot siya doon sa bowl. Nakuha niya eh, yellow. Nagkuwento siya tungkol sa family niya na noon daw at may umuwi daw silang kamag-anak galing sa America, nagkaroon daw sila ng Grand Reunion. Dahil nga daw maliit yung bahay nila, may natutulog na daw sa sahig, sa library, sa kusina.. pero wala naman daw sa banyo. Kahit daw na hindi lahat naging comfortable sa pagtulog, naging masaya daw sila. Nagkaroon pa nga daw sila ng contest ng spelling at nanalo daw yung mga laking Pinas kaysa sa mga lumaki ng America.
Paikot naman yung pagkukuwento. May isang babae pa nga na ang nabunot eh RED kaya medyo nahihiya pa siyang nagkuwento. Sa high school daw kasi kadalasan niyang ginagawa eh hindi siya nagpapahalata sa crush niya. Kaya daw nung field trip nila noon at nakatabi daw niya yung crush niya, tuwang-tuwa daw siya at ang nakakahiya lang daw eh nakuhanan daw siya ng picture na nakanganga habang nakatulog.
Marami pang nagkuwento nun, at dumating naman yung turn ni Kay. Nabunot niya eh yellow din.
"Family ko? Simple lang. Sa katunayan kung magiging open ako ngayon.." tumingin siya sa akin saglit, "May isa akong pinsan na talagang kinaiinggitan ko simula bata pa ako. Maganda, matalino.. nakukuha niya yung gusto niya. Madalas ko nung ikumpara yung pamilya ko sa kanya. Ano ba kami? Muntik-muntikan ng maputulan ng kuryente dahil hindi na kami makapagbayad. Yung tatay ko nawalan ng trabaho nung nagsara yung pinagtratrabahuhan niya. Nung wala nga kaming pera nun, dumating yung point na pati gatas inuulam na namin.." tinitigan ko talaga si Kay nun, "Mahirap pero sama-sama naman kami. Tapos recently ko lang na-realize na yung pinsan ko na yun, meron din pala siyang mga bagay na hindi niya ikinakasaya. Naisip ko na hindi ako dapat mainggit sa kanya dahil pare-parehas lang tayong may mga bagay na
Comments (0)